Tinanggap po ni Office of the Mayor’s Manila Muslim Affairs Director Shey Sakaluran Mohammad ang donasyong 40 sacks of rice Ramadan mula kay Senator Juan Miguel “Migz” Zubiri ngayong araw, May 5.

Kasama po ni Dir. Shey Yu sina Assistant Secretary to the Mayor Letlet Zarcal at Batang Maynila Dale Pardo Evangelista sa pagtanggap po ng donasyong ito.

Mayroon pong 17 mosques dito sa Lungsod ng Maynila, at ngayong ginugunita ang Ramadan ng ating mga kapatid na Muslim ay makatutulong po ito sa kanilang pag-aayuno.

Salamat po muli, Senator Zubiri!

Manila, God first! —Mayor Isko Moreno Domagoso