Mayo 30, 1712, kinilala nang hiwalay na bayan sa ilalim ng Lalawigan ng Tondo ang pamayanan ng Pandacan.

Kilala ang Pandacan bilang Sentro ng Pambansang Sining At Kultura at Lunduyan ng Kabayanihan. Sa Pandacan nanirahan ang tulad ni Francisco Balagtas, ang bayaning makata na naghimagsik laban sa masamang asal ng kolonyalismo na itinago niya sa akdang Florante at Laura.

Sa Pandacan rin isinilang ang isa sa tatlong paring ginarote noong 1872 na si Padre Jacinto Zamora.

Ang Ama ng Operetang Filipino na si Ladislao Bonus ay sa Pandacan din isinilang taong 1854. Sa kontribusyon ni Bonus sa sining ay kinilala ang Pandacan bilang “Ang Munting Italya ng Pilipinas.”

Matatagpuan din sa Pandacan ang milagrosong imahen ng Santo Niño na kawangis ng Itim na Nazareno.

Noong 2009, naghain ng isang resolusyon si dating Konsehal Ernesto Rivera na idinedeklara ang Mayo 30 bilang Araw ng Pandacan. Ngayon araw, ang ika-309 Anibersaryo ng Pandacan.