TINGNAN: Nagpapatuloy ngayong araw ng Sabado, ika-15 ng Mayo ang COVID-19 MASS VACCINATION sa Lungsod ng Maynila.

Isasagawa ang FIRST DOSE vaccination gamit ang PFIZER vaccine sa Sta. Ana Hospital para sa medical frontliners o A1 priority group.

Kasabay nito ay magkakaroon din ng FIRST DOSE vaccination gamit ang ASTRAZENECA vaccine sa tatlong vaccination sites para sa medical frontliners, senior citizens, at persons with comorbidities o A1 to A3 priority groups.

Bukod dito ay mayroon ding FIRST DOSE vaccination gamit ang SINOVAC vaccine sa 15 vaccination sites para naman sa mga kabilang sa A1 to A3 priority groups.

Para sa lahat ng magpapabakuna, ipakita lamang ang inyong printed waiver form o QR code para sa verification.

Dalhin din po ang inyong ID at huwag kalimutan ang pagsusuot ng face mask at face shield at ang pag-oobserba sa physical distancing pagdating sa vaccination sites.

Mga Batang Maynila, narito po ang sitwasyon ngayong umaga sa iba’t ibang vaccination sites sa ating lungsod!

Ito’y sa gitna po ng ating magkakasabay na deployment ng Pfizer, AstraZeneca, at Sinovac vaccines.
Nakatutuwa pong makita na marami po tayong mga kababayan na willing magpabakuna at makiisa sa ating #VaccineNation campaign. 🙂 Hopefully ay magpatuloy ito at mataasan pa natin ang all-time high vaccination record in a single day ng lungsod na naitala kahapon — 15,133 doses.
Muli, huwag pong kalimutan ang pagsusuot ng face mask at face shield at ang pag-oobserba sa physical distancing pagdating sa vaccination sites.
Manila, God First! ☝️—Mayor Isko Moreno Domagoso