TINGNAN: Vaccination site at priority sector para sa COVID-19 mass vaccination sa Lungsod ng Maynila bukas, ika-13 ng Abril

Prayoridad ng Manila Health Department na mabakunahan ang mga public school teacher sa lungsod na kabilang sa A2 (senior citizens) at A3 (persons with comorbidities) groups.

Gaganapin po ang naturang COVID-19 vaccination sa Palacio de Manila, Roxas Boulevard.

Para sa mga nakapag pre-register na ay dalhin lamang ang waiver form o QR code para sa verification. Kung hindi pa nakakapag-register ay magpunta lamang sa www.manilacovid19vaccine.ph.

Ipakita lamang ang alinman sa mga sumusunod na proof of comorbidity:
-Medical certificate (sa loob ng 18 na buwan);
-Prescription ng maintenance na gamot (sa loob ng 6 na buwan);
-Hospital records tulad ng discharge summary o medical abstract; o
-Surgical at pathology records

Huwag kalimutan ang pagsusuot ng face mask at face shield at ang pag-oobserba ng physical distancing pagdating sa vaccination sites.