TINGNAN: Batay sa pinakahuling ulat ng Manila Health Department ngayong araw, ika-15 ng Abril ay umabot na sa 779 medical frontliners (A1.1-A1.7 group) ang nakatanggap ng kanilang SECOND DOSE ng bakuna kontra COVID-19 as of 10:30 AM.

Kaugnay nito, ongoing pa rin ang ating second dose vaccination sa Palacio de Maynila para sa mga indibidwal na kabilang sa A1.1-A1.7 na nakatanggap ng kanilang unang dose mula March 2 hanggang March 18.

Sa mga nakapag-pre-register na, dalhin lamang ang waiver form o QR code sa vaccination site para sa verification. Kung hindi pa nakakapag register ay magpunta lamang sa www.manilacovid19vaccine.ph.

Paalala naman ni Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa mga magpapabakuna na huwag kalimutan ang pag-obserba sa minimum health protocols pagdating sa vaccination site.

(Photos by K R De Asis / MPIO)