Kabilang sa babakunahan ang frontline workers (A1.1-A1.7 group), senior citizens (A2 group), at persons with comorbidities (A3 group).

Makatatanggap na rin ng second dose ng bakuna ang mga medical frontliner mula sa A1.1-A1.7 group na nakakuha ng kanilang first dose noong March 2 hanggang March 18. Gaganapin ang second dose vaccination sa Palacio de Maynila, Roxas Boulevard.

Magpapatuloy naman ang pagsasagawa ng Home Service Vaccination para sa mga bedridden na indibidwal na kabilang sa mga sektor na nabanggit sa itaas.

Narito ang listahan ng vaccination sites para sa tatanggap ng kanilang first dose:

District 1
—EMILIO JACINTO ELEMENTARY SCHOOL

District 4
—RAMON MAGSAYSAY HIGH SCHOOL

District 5
—JUSTO LUKBAN ELEMENTARY SCHOOL

Para sa mga nakapag pre-register na ay dalhin lamang ang waiver form o QR code para sa verification. Kung hindi pa nakakapag-register ay magpunta lamang sa www.manilacovid19vaccine.ph.

Kung kabilang sa A3 group, ipakita lamang ang alinman sa mga sumusunod na proof of comorbidity:

-Medical certificate (sa loob ng 18 na buwan);
-Prescription ng maintenance na gamot (sa loob ng 6 na buwan);
-Hospital records tulad ng discharge summary o medical abstract; o
-Surgical at pathology records

Huwag kalimutan ang pagsusuot ng face mask at face shield at ang pag-oobserba sa physical distancing pagdating sa vaccination sites.