TINGNAN: Ngayong araw, April 5 ay isinasagawa sa Sta. Ana Hospital ang second dose vaccination para sa healthcare workers ng Lungsod ng Maynila na una nang nakatanggap ng kanilang bakuna kontra COVID-19 noong March 4 at March 5.

Kaugnay nito, patuloy naman ang paghihikayat ni Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa mga Manilenyo na magpabakuna lalo na’t limitado pa ang bilang ng COVID-19 vaccines na dumarating sa bansa.

Lahat ng nais magpabakuna ay maaari nang magparehistro sa www.manilacovid19vaccine.ph.Dagdag pa ng Alkalde, dagdag proteksyon ito sa bawat indibidwal at maging sa mga komunidad na kanilang kinabibilangan. (Photos by Christian Turingan / MPIO)