TINGNAN: Muling nagpapatuloy ang pagbabakuna ng Pamahalaang Lungsod sa mga indibidwal na may comorbidity (A3 group) ngayong araw, ika-3 ng Abril.

Isasagawa ang naturang COVID-19 vaccination sa mga ang mga sumusunod na lugar:

District 1:
—EMILIO JACINTO ELEMENTARY SCHOOL
—ISABELO DELOS REYES ELEMENTARY SCHOOL

District 2:
—OSMENA HIGH SCHOOL
—BENITEZ ELEMENTARY SCHOOL

District 3:
—BONIFACIO ELEMENTARY SCHOOL
—PEDRO GUEVARRA ELEMENTARY SCHOOL

District 4:
—RAMON MAGSAYSAY HIGH SCHOOL
— GENERAL MALVAR ELEMENTARY SCHOOL

District 5:
—RAFAEL PALMA ELEMENTARY SCHOOL
—JUSTO LUCBAN ELEMENTARY SCHOOL

District 6:
—JACINTO ZAMORA ELEMENTARY SCHOOL
—EARIST COLLEGE

Para po sa mga mapapabakuna, ihanda lamang ng alinman sa mga sumusunod na proof of comorbidity:
-Medical certificate (sa loob ng 18 na buwan);
-Prescription ng maintenance na gamot (sa loob ng 6 na buwan);
-Hospital records tulad ng discharge summary o medical abstract; o
-Surgical at pathology records

Ang mga nakapag pre-register na ay kinakailangan na lamang dalhin ang waiver form o QR code para sa verification. Para naman sa mga hindi pa nakakapag-register ay magpunta lamang sa www.manilacovid19vaccine.ph.

Huwag kalimutan ang pagsusuot ng face mask at face shield at ang pag-oobserba ng physical distancing sa vaccination sites.