TINGNAN: Isasagawa ngayong araw, ika-28 ng Abril ang second dose vaccination para sa mga indibidwal na kabilang sa A1-A3 groups na una nang nakatanggap ng kanilang bakuna kontra COVID-19 noong March 31, 2021.

Ilulunsad ito sa 12 vaccination sites mula District 1 hanggang District 6 ng lungsod:

District 1
—Emilio Jacinto Elementary School
—Isabelo delos Reyes Elementary School
District 2
—Osmeña High School
—Francisco Benitez Elementary School
District 3
—Andres Bonifacio Elementary School
—Pedro Guevarra Elementary School
District 4
—Ramon Magsaysay High School
—General Malvar Elementary School
District 5
—Benigno Aquino Elementary School
—Justo Lucban Elementary School
District 6
—Sta. Ana Elementary School
—EARIST

Para sa lahat ng tatanggap ng kanilang second dose ng bakuna, ipakita lamang ang inyong printed waiver form o QR code para sa verification.

Dalhin ang inyong ID at huwag kalimutan ang pagsusuot ng face mask at face shield at ang pag-oobserba sa physical distancing pagdating sa vaccination sites.