TINGNAN: Inilunsad ngayong araw, ika-14 ng Abril ang bagong GE Revolution EVO 128 slices CT Scan machine ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC).

Pinangunahan nina Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, Vice Mayor Maria Sheilah ‘Honey’ Lacuna Pangan at GABMMC Director Dr. Ted Martin ang blessing at ribbon-cutting ceremony kung saan itinampok ang panibagong medical equipment ng lungsod.

Ayon kay Domagoso, magpapatuloy ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa pagpapaunlad ng medical facilities nito sa lahat ng mga ospital ng siyudad.

Dagdag pa ng Alkalde, prayoridad ng Pamahalaang Lungsod na pangalagaan ang kalusugan ng mga Manilenyo sa lahat ng pagkakataon.

(Photos by K R De Asis & Christian Turingan / MPIO