TINGNAN: Batay sa pinakahuling tala ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) ngayong araw, ika-10 ng Abril ay umabot na sa 67,134 na pamilyang Manilenyo ang nakatanggap ng tig-P4,000 na ECQ ayuda mula sa national government.

Pinuntahan mismo ng mga kawani ng MDSW ang distribution areas sa anim na distrito ng lungsod. Mahigpit namang ipinatutupad ang minimum health protocols sa distribusyon.

Para sa iba pang benepisyaryo, antabayanan lamang ang pagdating ng MDSW staff sa inyong mga komunidad sa susunod pang mga araw para sa distribusyon ng ayuda sa inyong barangay.

Pinasalamatan naman ni Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa kanilang serbisyo ang buong pwersa ng MDSW na pinangungunahan ni Director Re Fugoso gayundin ang mga kapwa niya lingkod-bayan sa pamahalaang nasyunal mula sa Department of Social Welfare and Development, Department of the Interior and Local Government, at Department of National Defense.