TINGNAN: Batay sa pinakahuling tala ng Manila Health Department ngayong araw, ika-3 ng Marso, umabot na sa 382 healthcare workers (HCWs) ang nabakunahan gamit ang Sinovac vaccine sa Lungsod ng Maynila.

Ito’y sa gitna ng nagpapatuloy ng vaccination rollout ng lokal na pamahalaan para sa HCWs.Ayon naman kay Mayor Isko, hihintayin niya ang tamang clearance bago siya magpabakuna. Ito’y sapagkat alinsunod sa patakaran ng Department of Health at IATF, mauunang bakunahan ang mga medical frontliners.

Kaugnay nito, patuloy din ang paghikayat ng Alkalde sa publiko na magpabakuna dahil limitado ang suplay ng COVID-19 vaccines na darating sa bansa.

Dagdag pa niya, malaki rin ang proteksyong maibibigay nito laban sa nakamamatay na sakit. Humigit-kumulang 3,000 Sinovac vaccine vials naman ang na-turn over ng pamahlaang nasyunal sa Sta. Ana Hospital. Magagamit ito ng 1,500 na mga indibidwal.