TINGNAN: Nagsagawa ng COVID-19 vaccination simulation exercise ang Manila Health Department (MHD) sa Sta. Ana Hospital nitong nakaraang ika-26 ng Pebrero.

Sa pangunguna nina Manila City Health Officer Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan at Sta. Ana Hospital Director Dr. Grace Padilla, lumahok ang 50 na medical frontliners ng MHD at Sta. Ana Hospital. Ang simulation exercise ay nagsimula sa pagkuha ng COVID-19 vaccines sa Sta. Ana Hospital Storage Facility.

Sinundan ito ng pagsasaayos ng mga bakuna sa vaccination area ng Sta. Ana Hospital at pagpapakita sa mismong proseso ng pagturok ng bakuna.

Tiniyak din ng pamunuan ng MHD at Sta. Ana Hospital ang paglalaan ng oras para obserbahan ang mga kawani na ‘nabakunahan’ sa naturang simulation exercise.

Kaugnay nito, nagpapatuloy din ang kampanya ng MHD tungo sa pagpapataas ng vaccine confidence ng mga medical frontliners at ng mga taga-Maynila sa pangkalahatan.