TINGNAN: Muling nagpapatuloy ang pagbabakuna ng Pamahalaang Lungsod sa mga indibidwal na may comorbidity (A3) ngayong araw, ika-31 ng Marso.
Ayon sa Manila Health Department (MHD), target nilang magpabakuna ng 10,550 individuals.

Para sa mga pupunta sa vaccination site, ihanda lamang ng alinman sa mga sumusunod na proof of comorbidity:
-Medical certificate (sa loob ng 18 na buwan);
-Prescription ng maintenance na gamot (sa loob ng 6 na buwan);
-Hospital records tulad ng discharge summary o medical abstract; o
-Surgical at pathology records

Ang mga nakapag pre-register na ay kinakailangan na lamang dalhin ang waiver form o QR code para sa verification. Para naman sa mga hindi pa nakakapag-register ay magpunta lamang sa www.manilacovid19vaccine.ph.
Huwag kalimutan ang pagsusuot ng face mask at face shield at ang pag-oobserba ng physical distancing sa vaccination sites.