TINGNAN: Maagang ipinamahagi ng mga kawani ng Department of Public Services ang food boxes sa Barangay 351 ngayong Huwebes, ika-11 ng Marso.

Ito ay bahagi ng direktiba ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na walang magugutom para sa mga naapektuhan ng 4-day barangay lockdown.Tinatayang nasa 1,019 na pamilya ang mabibigyan ng food boxes sa Barangay 351 na naglalaman naman ng tatlong kilong bigas, 16 na delata, at walong sachet ng kape.

Maliban sa Barangay 351, tuloy-tuloy rin ang pagbibigay ng food asssistance sa 169 na pamilya sa Barangay 725 matapos itong mapasailalim rin sa barangay lockdown.

Ang lockdown na pinatutupad sa mga nasabing barangay ay nagsimula kaninang 12:01 ng madaling araw, at magtatapos ito sa ganap na 11:59 ng gabi sa Linggo, ika-14 ng Marso