MANILA VACCINATION UPDATE: Umabot na sa 10,412 frontline workers sa Lungsod ng Maynila ang nabakunahan na kontra COVID-19 batay sa pinakahuling tala ng Manila Health Department (MHD) ngayong araw, ika-24 ng Marso.

Kabilang sa mga nabakunahan ang ilang healthcare workers, social workers, contact tracers, jail officers at mga miyembro ng Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTS) sa Maynila.

2,428 naman ang kabuuang bilang ng mga nakatanggap ng AstraZeneca vaccines ngayong araw sa Ospital ng Maynila Medical Center at Sta. Ana Hospital.

Kaugnay nito, patuloy na hinihikayat ni Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang mga frontline workers na magpabakuna lalo na’t limitado ang bakuna na darating sa bansa. Dagdag pa ng Alkalde, dagdag proteksyon ito para sa kanila.