TINGNAN: Nilagdaan na ni Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang payroll ng 8,295 college students at 805 senior high school (SHS) students ng Universidad de Manila para sa kanilang January-March allowance.

Para sa kabuuan ng tatlong buwan, makatatanggap ng tig-P3,000 ang college students habang P1,500 naman para sa mga mag-aaral na nasa SHS.

Ayon sa alkalde, magpapatuloy ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa paglulunsad ng social amelioration program para sa mga estudyante upang matulungan silang matustusan ang mga gastusin sa kanilang pag-aaral.