Nagsagawa ng isang banal na misa sa Bulwagang Katipunan ngayong araw upang bigyang pugay ang Mahal na Poong Hesus Nazareno.

Sa pagbisita ng poon ay siya na ring paghahanda para Pista ng Itim na Nazareno na taun-taong ginugunita ng milyun-milyong mga deboto.Dahil sa pandemya ay nanawagang muli si Msgr. Coronel sa mga deboto na huwag na munang pumunta sa simbahan ng Quiapo.”

Ito lang yung pagkakataon na sinasabi ng kura na huwag kayong pumunta sa piyesta. Pero alam naman natin na kahit papaano mabawasan man lang.

“Dagdag pa ni Msgr. Coronel, sa halip ay magdasal na lamang sa kani-kanilang mga tahanan ang mga deboto dahil ang grasya ng Poong Nazareno ay makakakamtan din kahit na malayo.”Pero ito, straight and openly, na pupwedeng magdasal na lang kayo sa inyong mga bahay. Stay at home for the family, makukuha naman natin ang grasya, long distance. Epektibo po ang kapangyarihan ng señor.” – MPIO

Photo by: Angelo Mangahas