Pinangunahan ni Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan ang pagpapasinaya ng LGBT Pedestrian sa Rajah Sulayman, Roxas Boulevard, ngayon araw, Disyembre 9. Kasama sa pagdiriwang si DEPW Engr. Armando Andres na nangasiwa ng proyekto, DTCAM OIC Charlie Duñgo at kinatawan ng Davies. Matatandaan na noong Oktobre 29 ay nilagdaan ng Alkalde ng Lungsod ang LGBTQI Protection Ordinance o Ordinance No. 8695 na naglalayon na matigil ang anuman uri ng diskriminasyon pagdating sa Sexual Orientation at Gender Identity Expression (SOGIE) ng isang tao. – DTCAM