Tinanggap ni Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang pangalawang pagkilala para sa Go Manila application ngayong Biyernes, ika-11 ng Disyembre, sa Digital Governance Awards (DGA) 2020, Ayon kay Domagoso, ang layunin ng pagkakatatag ng Go Manila application ay para matigil ang korapsyon sa gobyerno sa paglimita ng “human intervention.”

“Maraming salamat sa mga judges sa inyong appreciation in our own little effort to really, one way or another, stop corruption with lesser human intervention in government services,” ani Domagoso.

“It’s timely na magkaroon ng need for that to limit naman yung surging of people in a particular place nowadays with regard to the pandemic,” dagdag ng alkade.

Ang DGA ay iginawad ng Department of the Interior and Local Government, Department of Information and Communications Technology, at ng National ICT Confederation of the Philippines.