CITY HEALTH ADVISORY: Pansamantalang isasara simula bukas, ika-18 ng Disyembre, ang serology testing center sa Quirino Grandstand.

Nakatakda ang muling pagbubukas ng naturang testing center sa ika-4 ng Enero taong 2021.

Bukod dito ay pansamantala ring ititigil ang operasyon ng serology testing centers sa Ospital ng Tondo, Ospital ng Sampaloc at Ospital ng Maynila Medical Center.

Samantala, mananatili namang bukas ang mga pasilidad sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center at Justice Jose Abad Santos General Hospital.

Salamat po sa inyong pag-unawa.