TINGNAN: Pinangunahan ni Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ngayong araw, ika-17 ng Disyembre, ang pagbubukas sa bagong Foreshore Super Health Centre at Lying-In Clinic sa Tondo, Maynila.

Dinaluhan din ito nina Vice Mayor Maria Sheilah ‘Honey’ Lacuna-Pangan, Manila Health Department Director Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan, Physician Administrator Dr. Marie Paz Custodio at isang espesyal na virtual message naman ang ibinigay ni SM Foundation Executive Director Connie Angeles. Sa tulong ng SM Foundation, magagamit na ng mga buntis at iba pang residente sa Tondo ang bagong super health centre para sa kagyat na pagtugon sa kanilang mga pangangailangang pangkalusugan.

“Unang-una, taos puso ang aking pasasalamat sa Pamilya Sy, talagang napakalaking bagay kapag ang private sector tumulong sa pamahalaan,” ani Mayor Isko sa kaniyang pahayag sa turnover ceremony ng bagong super health center.”Kita niyo today mas maaliwalas, mas malinis at mas episyente tayong makapagbibigay ng pangunahing tugon sa mga suliraning pangkalusugan ng ating mga kababayan sa Don Bosco, Tondo area,” dagdag ng alkalde.

Magagamit na ng mga Batang Maynila sa Tondo ang bagong pasilidad simula ngayong araw.