NEWS ALERT: Muling magbubukas ang lahat ng drive-thru at walk-in COVID-19 serology testing centers sa Lungsod ng Maynila simula bukas, ika-3 ng Nobyembre, matapos isara ang mga ito dahil sa pananalasa ng Bagyong Rolly.Walk-in Testing Centers: —Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center—Ospital ng Tondo—Justice Jose Abad Santos General Hospital—Ospital ng Sampaloc—Ospital ng Maynila Drive-Thru Testing Center:—Quirino GrandstandAyon sa Manila Health Department (MHD), prayoridad ng kanilang Departamento na magpatuloy sa paghahatid ng serbisyong medikal sa mga Manileño lalo na’t nananatili ang banta ng COVID-19.Samantala, tuloy-tuloy din ang paglulunsad ng libreng swab testing ng Lungsod ng Maynila para sa mga market vendors, hotel emoyees, mall workers at public transport drivers. —SNO