Ika-157 Anibersaryo ng Kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio

Pinangunahan ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kasama si Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan ang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Gat Andres Bonifacio, ngayong Nobyembre 30, 2020 sa Dambana ni Bonifacio, Daang Taft, Maynila. Sinabi ni Domagoso sa kanyang talumpati na sa pagkakataong ito, mas maigting ang pagnanasa ng lokal na pamahalaan na ganapin ang pangkasaysayang pagtitipon na ito sa kadahilanang napapanahon ang adhikain ng ating bayani. “Ang mga gawa niya at salita ay hindi kailan dapat mawala sa isip nating mga Pilipino, lalong lalo na sa mga Batang Maynila.”Ang programa ngayong taon ay may temang “Bonifacio 2020 Tapang at Kaligtasan Tungo sa Malayang Lipunan”. – DTCAM