TINGNAN: Patuloy ang paghahatid ng libreng swab testing ng Pamahalaang Lungsod para sa draybers ng mga pampublikong sasakyan ngayong Huwebes, ika-5 ng Nobyembre sa Universidad de Manila (UDM).

Magkaagapay itong isinasagawa sa pangunguna ng Manila Health Department (MHD) at sa tulong ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB).

Layunin nito na tuluyang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19 sa mga pampublikong transportasyon sa lungsod.—AKN/KDS