TINGNAN: Umabot na sa 14,483 na mga indibidwal ang sumailalim sa free mass swab testing ng Pamahalaang Lungsod para sa mga market vendors, mall workers, hotel employees at mga public transport drivers sa Lungsod ng Maynila. Batay sa huling tala ng Manila Health Department (MHD), nasa 45,602 naman ang kabuuang bilang ng mga na-swab test (RT-PCR) sa anim na district hospitals ng siyudad. Pinangangasiwaan ito ng mga kawani ng Manila Health Department (MHD) at ng anim na district hospitals ng siyudad sa mga testing centers sa mga palengke, malls, hotels at sa Universidad de Manila. Ayon kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, layunin ng targeted mass swab testing na mabigyan ng kapanatagan ang mga mamimili at matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan sa lungsod na nagtatrabaho na araw-araw.Makatatanggap din ng food assistance ang mga pamilya ng mga empleyado, manininda o drayber na mag-popositibo sa naturang swab test. —SNO