Binisita ngayong Huwebes, ika-5 ng Nobyembre, nila Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan ang pinapatayong Binondominium.

Nais ni Domagoso na i-konek ang nasabing in-city vertical housing program sa katabing basketball court upang magkaroon ang mga uupa rito ng kanilang sariling activity area.

“Gagawa tayo ng access kasi dingding yan eh, oh edi mayroon na silang basketball court nila, activity area. Tapos tagos sa park, gagawa tayo ng eskinita diyan para yung tao may pasyalan diyan sa paraiso ng Delpan,” Domagoso.

Ang ginagawang Binondominium ay may taas na 15-storey at kayang mag-accommodate ng 126 na pamilya. Ang isang unit ay may laking 40 square meters at mayroong dalawang kwarto para sa bawat pamilyang titira dito.