TINGNAN: Umabot sa 27 na lugar ang tinugunan ng mga kawani ng Department of Engineering and Public Works ngayong Huwebes, ika-12 ng Nobyembre, dahil sa pagkabagsak ng mga puno dulot ng Bagyong Ulysses.Ayon sa datos ng DEPW, umabot sa 12 lugar sa Tondo, Maynila ang kanilang inaksyunan nang magsimula maminsala ang Bagyong Ulysses sa Lungsod ng Maynila.

Sinundan ito ng Sta. Ana at Malate na nagkaroon ng tatlong insidente ng pagbagsak ng puno.Samantala, nakapagtala ang DEPW ng tig-dalawang insidente sa mga lugar ng Ermita, San Andres Bukid, at Sampaloc habang sa Paco, Pandacan, at Sta. Cruz aymay tig-isang insidente.

Agad ring nagsagawa ng malawakang paglilinis ang buong hanay ng DEPW sa iba’t ibang lugar ng Maynila kagaya ng Sampaloc, Quiapo, Sta. Cruz, Malate, at Tondo areas matapos ang pagdaan ng Bagyong Ulysses sa syudad.