TINGNAN: Nagsagawa ng flushing operations ang buong pwersa ng Department of Engineering and Public Works (DEPW) sa Plaza Miranda. Ito ay upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng paligid ng simbahan lalo na para sa mga namamanata para sa Poong Nazareno. Ito ay alinsunod rin sa adhikain ni Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na pahalagahan at ingatan ang lahat ng plaza at parke sa syudad.