TINGNAN: Nagpadala agad ng tulong sina Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan at ang Manila Department of Social Welfare (MDSW) sa mga nasunugan kagabi sa Brgy. 401 sa Sampaloc at Brgy. 13 sa Tondo sa pamamagitan ng pamamahagi ng food boxes sa mga biktima ng insidente.Pinangunahan ni MDSW Director Re Fugoso ang pagbibigay nito sa 173 pamilyang nasunugan mula sa dalawang barangay. Kabilang sa laman ng food box ang tatlong (3) kilo ng bigas, canned goods, gatas at marami pang iba.Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat si Director Re sa mga opisyal ng mga barangay na pinangungunahan nina Brgy. 401 Chairman Allan Antiado at Brgy. 13 Chairman Mario Macapagal dahil sa kanilang pagbibigay ng kalinga sa mga nasunugan kasama ang mga kawani MDSW. —SNO