SK Efforts: SK ng Barangay 442, Namahagi ng Online Learning Kits, School Supplies at Foldable Tables para sa mga Mag-aaral. Namahagi ang Sangguniang Kabataan ng Barangay 442 Zone 44 sa Distrito IV ng mga online learning kits, school supplies at foldable tables para sa 200 na mag-aaral mula Kinder hanggang College upang magamit nila sa kanilang pag-aaral.Sa pamumuno ni SK Chairman Chayanne Ordoñez at ng buong SK Council ng Barangay 442 ay namahagi sila ng Online Learning Kits na naglalaman ng flash drives, earphones at USB LED Light Lamps. Ang mga school supplies naman ay naglalaman ng mga notebook, crayola, pencil, papel, at iba pa, at ang foldable tables naman ay upang magamit ng mga mag-aaral sa pagsusulat. -JKG(Mga kuha mula kay G. Alex Layos II/Manila Youth Development and Welfare Bureau)