TINGNAN: Pinangunahan nina Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang pagpapasinaya sa bagong Quarantine Facility sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) ngayong araw, ika-22 ng Oktubre. Ayon kay Mayor Isko, ang pagtatatag ng karagdagang quarantine facilities ay bahagi ng paghahanda ng Pamahalaang Lungsod sa oras na dumami ang kaso ng COVID-19 sa siyudad ngayong darating na kapaskuhan.Ang PLM Quarantine Facility ay may 66 beds, electric fan bawat cubicle at karagdagang 16 air-condition units. Samantala, umabot na sa 591 naman ang kabuuang bed capacity ng labing-apat na Quarantine Facilities sa Lungsod ng Maynila. —SNO