PAYMAYA DISTRIBUTION: Personal na ipinamahagi ng mga kawani ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) ang Paymaya cards para sa mga senior citizens ngayong Miyerkules, ika-7 ng Oktubre.Sa kasalukuyan, kabuuang 40,495 na Paymaya cards ang natanggap ng mga rehistradong senior citizens sa lungsod. Patuloy ang distribusyon sa iba’t ibang distrito bilang bahagi ng social amelioration program ng Pamahalaang Lungsod.—KDS