Pinangunahan ni Mayor Isko Moreno Domagoso kasama si Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan ang pagbubukas ng MindaTienda kung saan mabibili ang iba’t ibang produkto na mula sa Mindanao. Dumalo rin sa pagdiriwang si Sec. Emmanuel Piñol ng Mindanao Development Authority at si Cabadbaran, Agusan Del Norte Mayor Judy Amante. Layunin ng programa na matulungan ang mga magsasaka at mangingisda na tinamaan ng pandemya. Tatagal ang MindaTienda hanggang sa Linggo, Oktobre 25, 2020. 📸 Keith Cruz, DTCAM