TINGNAN: Agad na naghatid ng tulong ang Manila Department of Social Welfare (MDSW) sa mga Locally Stranded Individuals (LSIs) na napag-alamang galing sa Maynila at kasalukuyang nasa Libingan ng mga Bayani. Karamihan sa kanila ay napaalis ng bahay dahil walang pambayad ng upa dulot ng pananalanta ng COVID-19 kung kaya’t minabuti ng MDSW na i-assess ang kanilang mga dokumento sa tulong ng Manila Police District (MPD) upang mabigyan ang mga ito ng suporta para makabalik sa kanilang mga tahanan sa Maynila, sa probinsya o sa iba pang mga siyudad.Samantala, pansamantalang nanunuluyan ang mga naturang LSIs sa RASAC Covered Court habang isinasaayos ng MDSW ang kanilang mga dokumento. —SNO