ALERTO MANILEÑO: Kabuuang 5,897 na Emergency Go Bags ang naipamahagi ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa 60 na mga pampublikong paaralan sa Lungsod ng Maynila.Naglalaman ito ng first aid kit, tubig, pagkain, flashlight at iba pang gamit pang-proteksyon kung sakaling magkaroon ng sakuna.Patuloy ang paalala ng MDRRMO na mahalagang unahin ang kaligtasan anumang oras at manatiling alerto, handa at ligtas ang bawat Batang Maynila. —KDS(Pubmat by Carlo Asoro/MPIO)