TINGNAN: Binisita ni Manila City Vice Mayor Maria Sheilah ‘Honey’ Lacuna-Pangan ang mass swab testing operations sa Baseco Sports Complex para sa mga tricycle drivers, pati na rin sa mga kawani ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB). Lubos itong ikinalugod ni MTPB Director Dennis Viaje. Ipinarating ni Director Viaje ang kaniyang pasasalamat sa pamahalaang lungsod, partikular sa kaligtasan ng mga enforcer na nakakasalamuha ng mga drayber sa araw-araw. “Malaking bagay po na ma-swab test ang ating mga drayber ng pampublikong sasakyan para sa ikapapanatag po ng mga kababayan nating mananakay at ng ating mga enforcer na nakatuon sa pagpapatupad ng batas trapiko, kaharap ang banta ng pandemya,” aniya. Kabilang sa mga sumailalim sa libreng swab testing ngayong araw ay ang mga drayber mula sa BASECO at JODA TODA at ilang mga kawani mula sa MTPB Tri-wheels Management Unit. —AKN/KDS