TINGNAN: Libreng chest X-ray ang handog ng Manila Health Department (MHD) at United States Agency for International Development (USAID) sa mga Pritil Market vendors at mga tricycle drayber dito sa Baseco Covered Court ngayong araw, ika-6 ng Oktubre. Ito’y kasabay ng pagsasagawa ng libreng mass swab testing para sa mga manggagawa at mga drayber ng lungsod.Ayon kay Manila City Health Officer Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan, bahagi ito ng pagtitiyak ng Pamahalaang Lungsod sa kaligtasan ng mga Manileño sa gitna ng banta ng COVID-19 at iba pang mga sakit. Samantala, ikinatuwa naman ng mga manininda at drivers ang libreng medikal na serbisyong hatid ng Pamahalaang Lungsod para sa kanila. —SNO