TINGNAN: Pinasalamatan ng pamunuan ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) sina Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan sa paghahandog ng Pamahalaang Lungsod ng sampung yunit ng Powered Air-Purifying Respirators (PAPRs).

Makatutulong ang kagamitang ito upang matiyak ang kaligtasan ng mga health care workers ng GABMMC laban sa COVID-19 at iba pang mga sakit.

Ayon kay GABMMC OIC Hospital Director Dr. Ted Martin, ang mga naturang PAPRs ay ginagamit ngayon ng mga medical workers sa kanilang Department of Surgery, OB-Gyne at Anesthesiology Samantala, namahagi rin ang lokal na pamahalaan ng mga High Flow Oxygen Systems, Personal Protective Equipment (PPE), face masks, disinfectants at iba pang medical equipment sa anim na district hospitals ng lungsod. —SNO