ICYMI: Inilunsad ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang contact tracing application na StaySafe sa SM Manila Atrium noong ika-3 ng Setyembre.Layunin ng naturang application na mapaunlad ang COVID-19 contact tracing sa iba’t ibang mga komunidad sa bansa sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga lugar na pinuntahan ng isang indibidwal at pagbibigay ng detalye hinggil sa mga nakahalubilo nitong tao. Kaugnay nito, binigyang-diin ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na pagtutulungan ng pampubliko at pribadong sektor upang gawing mas epektibo ang contact tracing sa mga pamayanan at mapigilan ang lalong pagkalat ng COVID-19 sa buong bansa. —SNO