TINGNAN: Patuloy sa paglilinis at pagsasaayos ng iba’t ibang bahagi ng lungsod ang ang mga kawani ng Parks Development Office (PDO) ngayong araw, ika-10 ng Setyembre. Pinantay nila ang mga halaman at itinapon ang mga nakakalat na basura sa Plaza Morga, McArthur Monument at Kalaw Center Island.Ang masinsin na pangangalaga ng PDO sa iba’t ibang lugar sa siyudad ay bahagi ng pagkilos ng Pamahalaang Lungsod tungo sa isang clean and green Manila City. —SNO