TINGNAN: Nagsagawa ng impounding at clamping operations ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ngayong Lunes, ika-7 ng Setyembre sa kahabaan ng Ermita at Taft Avenue.18 na tricycle ang naimpound dahil sa pagsasakay ng higit sa isang pasahero, kawalan ng barrier, face mask at face shield at paniningil ng sobra sa nakatakdang pamasahe. Habang 25 na sasakyan naman ang na-clamp dahil sa pagpa-park sa mga pangunahing daan. Pinangunahan ang operasyon nina Sector 5 Leader Jon Tupas, Tri-wheels Management Unit Head Ed Pablo at Clamping Division Head Ed Aguila. —AKN/KDS