TINGNAN: Agad na dinala ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) Disaster Management Team sa Ospital ng Maynila Medical Center ang lalaki na natagpuan ng isang vlogger na nakaratay sa kahabaan ng ng Manila Bay malapit sa Quirino Avenue. Ayon kay MDSW Disaster Management Team Leader Gilbert Celestino, maaaring may sakit ang 46 taong gulang na matanda na nakilala bilang si Tatay Cezar Sersari kung kaya’t minabuti ng kanilang grupo na ihatid ito sa ospital bago manuluyan sa rescue facility ng lungsod.Samantala, pinasalamatan naman ni MDSW Director Re Fugoso ang kaniyang mga kawani at ang pamunuan ng Barangay 701 sa maagap na pag-aksyon ng mga ito. “True to our mandate of upholding the welfare of our kababayans, mablis na tinugunan ng MDSW ang panawagan ng isang vlogger na matulungan si Tatay Cezar. Salamat sa ating Disaster Management Team na pinangungunahan ni Gilbert Celestino dahil sa inyong mabilis na pag-aksyon,” pahayag ng MDSW Director. —SNO