TINGNAN: Natanggap na ng Sta. Ana Hospital ang karagdagang mga kagamitan para sa ilulunsad na ikalawang Molecular Laboratory nito. Kabilang dito ang High Efficiency Particulate Air (HEPA) filter o ang tinatawag na Bag-In at Bag-Out filter na magagamit sa pag-capture ng mga virus at bacteria. Ito’y makatutulong din sa pagtitiyak sa kaligtasan ng mga medical at healthcare frontliners ng ospital. Samantala, ang panibagong Molecular Laboratory na itatatag sa Sta. Ana Hospital ay inaasahang makapag papataas sa testing capacity ng Lungsod ng Maynila. —SNO