Binisita nila Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan ang isinasagawang in-city vertical housing project sa Tondo, Maynila.Ayon kay Domagoso, inihahanda na ang malalim na pundasyon ng Tondominium 1 and 2 upang maging ligtas ito sa oras na matapos ang konstruksyon nito.Ang nasabing in-city vertical housing projects ay may taas na 15-storey, na kayang mag-accommodate ng humigit kumulang na 336 na pamilya.Ang isang unit ay may laking 44 square meters at mayroong dalawang kwarto para sa pamilyang titira dito.Ayon kay Domagoso, layunin ng proyektong ito na mabigyan ng disenteng pamumuhay ang mahihirap na Batang Maynila at tuldukan ang mahabang panahon na paninirahan sa kalye. — FMO(Mga kuha ni K R De Asis/MPIO)