TINGNAN: Sinimulan na ang paglalagay ng mga lamp post sa itinatayong Baseco Baywalk ngayong Lunes, ika-7 ng Setyembre.Ayon kay City Electrician Engr. Randy Sadac, apat na poste na ng ilaw ang nalagay ng kanyang mga kasamahan ngayong araw.Ang mga ilaw na inilagay sa Baseco Baywalk ay dating nakalagay sa Espana Boulevard. Para kay Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, ito ay upang hindi masayang ang pera ng taumbayan na ginamit nang bilhin ito.Aniya, dumaan sa masusing pag-iinspeksyon at pagsasaayos ang mga ilaw sa Electrical Division ng lungsod bago ito muling gamitin para sa Baseco. — FMO