TINGNAN: Lubos na kinatuwa ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso nang makita ang bagong anyo ng Anda Circle nitong Sabado, ika-5 ng Setyembre.Ayon kay Domagoso, nabigyang buhay ang mga letra na nakasulat sa monumento ng Anda Circle nang magsagawa ang pamahalaan ng rehabilitation project sa nasabing lugar.Ikinalugod rin ng alkade ang landscaping works na isinasagawa sa paligid ng Anda Circle.

Aniya, magkakaroon ito ng mga automated sprinkler upang maalagaan ang mga damo sa lahat ng oras.Kasama ni Domagoso sa nasabing inspeksyon sina Manila Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, City Engr. Armand Andres, at City Electrician Engr. Randy Sadac. — FMO(Mga kuha ni K R De Asis/MPIO)