TINGNAN: Ipinamahagi na ng Pamahalaang Lungsod ngayong araw sa pangunguna ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang unang batch ng mga tablet devices para sa mga mag-aaral at laptops na magagamit naman ng mga guro sa Aurora Quezon Elementary School.

Ang mga ito ay may kasamang pocket wifi para sa mga guro at SIM cards na may 10 gigabyte monthly bandwith para sa mga estudyante.

Inaasahan namang tuloy-tuloy na maipamimigay ang mga equipment sa iba’t ibang paaralan sa lungsod simula ngayong linggo hanggang sa pagsapit ng pasukan sa ika-5 ng Oktubre. —SNO

(Photos from Christian Turingan / MPIO)