TINGNAN: Inaspalto ng mga kawani ng Department of Engineering and Public Works ang parte ng Tondo at Sta. Mesa, Maynila.

Pinangunahan ng Highway Division I ang pag-aaspalto sa Claro M. Recto cor Delpan sa Tondo upang masiguradong ligtas ang mamamayan sa anumang uri ng aksidente maaaring kaharapin.

Isinaayos rin ng Highway Division VI ang kahabaan ng Barangay 627 sa Sta. Mesa, Manila para matanggal ang mga lubak na nagiging sanhi ng iba’t ibang disgrasya — FMO