TINGNAN: Bilang pagpapatibay ng depensa laban sa COVID-19, naglagay ang mga tindero ng Sta. Ana Market ng mga plastic barrier sa kanilang mga stall.

Ayon kay Cristina Tan, market master ng nasabing palengke, umabot na sa 105 stalls ang naglagay ng plastic barriers ngayong Martes, Agosto 18

“Ito ay bilang dagdag proteksyon na din laban sa pagkalat ng sakit na COVID-19 dito sa ating lungsod,” ani ni Tan.

Dagdag pa niya, nagpamahagi rin ang kanyang mga kawani ng face shields sa humigit kumulang 282 tindera’t mga helper sa Sta. Ana market.

Ang pamamahagi ng face shield ay batay na rin sa kagustuhan ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na pangalagaan ang lahat ng Batang Maynila.

“The vendors and even their helpers were so happy and grateful po for the Mayor. Damang-dama nila ang walang patid ng pagmamalasakit at pangangalaga ni Mayor Isko sa kanilang kaligtasan at kalusugan,” sabi ni Tan.

Sinigurado naman ni Tan na walang patid ang kanilang paglilinis upang mapanatili ang kalinisan sa kanilang palengke. — FMO